Anak,
Alam mo ba na labis ang aking kagalakan ng nalaman ko na alam mo ang sagot sa 'nasaan si tatay?' Sa atin lamang na katatapos na pag-uusap sa telepono kung saan tinanong kita na 'nasaan si tatay?' ay lubos na kasiyahan ang idinulot sa aking puso nang sinagot mo ako ng 'China!' :) Hindi mo batid ang sarap sa tainga nitong isang salita na sinambit mo, hanggang sa napaluha na lang ako ng lihim. Isipin mong sa gulang mo ay alam mo na ang sagot sa naturang tanong! Nawa ay magpatuloy ang talino na kaloob sa iyo ng Maylikha at magamit mo ito sa mga tamang kaparaanan at sa kabutihan ng marami.
Nagmamahal,
Tatay
Friday, September 12, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment