Happy 3rd Birthday Anak!!!
Ang saya nung birthday mo anak. Daming bisita, although hindi lahat ng invited ay nakadalo. Pero masaya pa rin. Nakita rin namin na mas masaya ka ngayon kaysa sa last year birthday mo. Siguro, di ka na masyado takot sa maraming tao kumpara dati. Dati kasi, dalawa lang kayo ni Nanay ang laging magkasama, kaya naman, medyo may strangers anxiety ka nung bumalik tayo mula sa US.
Yun nga lang, mayroon ka pa ring kinatatakutan - si Jollibee. Labis ang takot mo nung pumasok na si Jollibee sa party hall, na tipong gusto mong magtago sa kung saan. Taliwas sa ibang mga bata na nasa party, sila ay tuwang-tuwa nung nakita nila si Jollibee. Nakipag-sayawan pa sila sa pulang bubuyog na yun. :) Marahil, ilang panahon na lang at masasanay ka na rin sa mga mascots. Marami ka ding natanggap na mga regalo, at excited ka na buksan lahat ng mga yaon. Barbie doll, mga damit, doll house, at kung anu-ano pa ang mga natanggap mo.
Di ko alam anak kung kakayanin pa natin ang ganitong party sa next year dahil malapit na akong mawalan ng work. :( Nawa ay ma-appreciate mo itong mga ito kahit na sa future ay di ko na ma-afford na ipag-party ka ng engrande. Pero ipagtataguyod namin ni Nanay mo na at least ang iyong 7th at 18th birthday ay maging maayos na celebration.
Sige anak, me meeting pa si Tatay.
Ingat ka lagi. God bless.
love,
Tatay
Tuesday, October 21, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
Belated Happy 3rd Birthday Leanne!
God bless.
Post a Comment