It's been a while since I last blogged. Naging busy kasi tayo nung Christmas break. Di man masyadong exciting ang mga pinuntahan natin, pero it's worth it kasi sama-sama tayong tatlo nina Nanay. Ito yung isa - nagpunta tayo sa Clark para umattend ng kasal ni Tito Raf (office mate ni Tatay). Narito ang ibang pictures natin nun.
Tuwang-tuwa ka noong sumunod na araw dahil nag-swimming tayo sa Fontana. Kahit nadapa at nasugatan ka dahil sa kakulitan mo, enjoy ka pa rin!! Kahit na ginaw na ginaw na kami ni Nanay, sige pa rin ang paliligo natin dahil ayay mong umahon. Enjoy ka sa pag-slide nating dalawa. Si Nanay, enjoy din dahil nakapag-slide ulit sya after a long long time. Pinaplano namin ni Nanay na bumalik doon by next year, so let's see... :) Enjoy ka rin sa Nayong Pilipino - pero ang pronunciation mo ay Nayong Pino-pino. :) Di na ito masyadong maganda kumpara noong nasa Manila pa ito. Marahil ay bagong lipat pa lang kasi kaya mas konti ang tanawin. Sa Kalesa ka lang tuwang-tuwa kasi ito ay mas malaki kaysa sa mga carousel na sinasakyan natin sa Malls. :)
Love,
Tatay
No comments:
Post a Comment