Sunday, August 8, 2010

Well, what do you know?

Mahal kong Anak,

Kamusta ka na? Ako, eto kagagagaling lang ng CDO...at muntik ng maging barbeque sa hotel. Nasunog kasi yung palengke na malapit sa hotel namin last Friday. So munti na kaming madamay at maging sugbu! :(

Well, what do you know? Lumalaki ka na!

Natutuwa ako at patuloy ang paglaki mo na healthy at maayos emotionally. Sa wakas, kumakain ka na ng kanin at ulam ngayon, at hindi na puro dede lang. Nakakatuwa kang pagmasdan kaninang lunch kasi para ka ng bata kung kumain...that is, hindi ka na nga talaga baby. :) Tumataba ka na ulit at lalong bumibigat kaya medyo mahirap ka ng kargahin...teka kala ko di ka na baby, bat nagpapakarga ka pa rin? :):) Hehehe, ganyan ata talaga, ngayon umaangal ako na kargahin ka dahil mabigat ka na, pero alam ko na sa mga susunod na taon, gugustuhin kitang kargahin, halikan at yakapin pero ikaw na ang aayaw. Kaya naman, kahit mabigat, sige karga, pasan o kung ano pa man.

Well, what do you know? Eh, ano nga ba alam mo?

Hay naku anak, kay hirap talaga ng galing sa di kilalang paaralan. Hanggang ngayon, after almost 20 yrs na naka-graduate ako, nageeexplain pa rin ako ng aking academic background. Kaya naman, kinakailangan kong labanan ang pulitika sa office. Hindi ako, sa tanang buhay ko, namulitika kailanman. Ngayon, tinitira ako nitong isang kumag na kala mo kung sino porke galing ng La Salle. Pasalamat sya at mayaman ang magulang niya! Kung di dahil dun ay di naman sya dun nakapag-aral. Anak, hindi tayo mayaman, pero sisikapin namin ni Nanay na mapag-tapos ka sa maayos na university. Ayaw ko ng iparanas sa yo ang dilemma na kailangan mong i-explain ang backgound mo for more than 10minutes pero wala pa rin silang clue kung saang lupalop ka talaga galing. Ngayon, pinaplano kong mag-AIM para matigil ang pangunguwestion sa background ko. Harinawa't matupad at kayanin ng budget.

O sya, ingat ka ulit anak. I love you!

love,
Tatay

No comments: