Monday, December 15, 2008

Christmas Party

Hello Anak,

We just had our Christmas Party and it was fun! Syempre, ang galing at ang pogi ng host – si Tatay! J Bago ang damit ko nito, regalo ni Nanay sa aming 6th wedding anniversary. Kwela rin naman daw ang program...yung iba nga lang ay nagulat dahil di nila akalain na para daw akong si Boy Abunda kung mag-host. Medyo nakakaasar lang kasi bading yun! Di naman ako ganun... L Anyways, mas marami pa rin ang natuwa at sumaya.

Si Tatay din ang gumawa ng AVP (audio-video presentation) para sa mga employees na magre-retire na dahil sa pagtrim-down ng operations ng kompanya. Malungkot din na nagpaalam si Tatay sa maraming kaibigan ng mahabang panahon.

Here are some of our pictures at the Central Stage, Jupiter St., Makati.

regards,
Mannie R. Austria
8.275.6492














Wednesday, December 10, 2008

Sama ako, up...

Dear Leanne,

Gustong-gusto kong naririnig itong mga katagang ito, "sama ako, up..." Sinasabi mo ito kapag gusto mong magpa-karga o magpa-hele kapag inaantok ka na. Kahit ngayon na bumibigat at lumalaki ka na, binubuhat ka pa rin namin ni Nanay para lang masunod ang gusto mo. Kung minsan din kapag nagigising ka sa hating gabi, gayun din ang pagtugon namin sa nais mong makatulog muli.

Ganyan ang mga naisin mo sa ngayon. Ngunit batid namin na darating ang panahon na di mo na nanaisin na sumama sa amin pagkat mayroon ka ng sariling mundo na tatahakin. Sa panahong yaon, kami ni Nanay naman ang lalapit sa iyo at magnananais na sumama ka sa amin. Masakit man ang aming mararamdaman, ngunit kailangan ka naming humayo upang magpalago ng iyong mundo. Nawa lamang na baunin mo ang aming mga pangangaral sa iyo at ang mga katuruan ng Diyos.

Mahal na mahal ka namin Leanne.

Sumasaiyo,
Tatay